Basta ito yung binabanggit namin kapag gusto namin itigil muna yung nilalaro namin nung bata pa kami :)
Anyway, ito rin pala ang unang entry ko sa taong ito, at dahil bagong taon na...magtatagalog na ko sa blog ko! Ayoko na kasi magpanggap sa kakaingles! lolololol!
(Kung meron pa ring hindi pinoy na bumabasa ng blogger account ko, pasensya na. Pero malamang di mo rin 'to maiintindihan kaya pasensya ulit)
O basta kung gusto mo libangin sarili mo, tulad ko na ayaw muna ipagpatuloy ang paggawa ng report ko sa 140, labas ka mamayang hapon at abangan mo yung moonrise. Sabi kasi sa yahoo news, ngayon daw magpapakita ang buwan sa pinakamalaki nitong anyo ngayong taon. Kung ayaw mo maniwala, tsek mo dito:
"Sana umalis na yung makapal na ulap na humaharang sa kalangitan ko, este sa lugar namin" :(
Trying..
1 week ago

